SILID-ARALAN
Angelu Gawaran
Sa apat na sulok ng kwartong ito,
Itim na mga upuan ay makikita mo.
Ang lamesang kahoy ay nasa unahan,
At ang puting sulatan ay nasa harapan.
Sa loob ng silid-aralan naming mahal,
Kami ay paminsan-minsang nagtatanghal.
Sa loob ng silid-aralan naming irog,
Kami ay nagtatagumpay at hindi lumulubog.
Dito kami ay nagiging makata,
Tunay na nahahasa pati ang aming diwa.
Nahihirapan man kami sa mga araling ito,
Alam naman naming dito kami ay lalago.
Higit pa sa libro ang aming natututunan,
‘pagkat mga aral sa buhay ay aming nalalaman.
Madami mang hirap ang aming dinanas,
Tagumpay naman ay aming iminamalas.
Sa apat na sulok ng kwartong ito,
Masisipag na mag-aaral ay makikita mo.
Sa apat na sulok ng kwartong ito,
Tunay na kaalaman ay mapapasaiyo.